2 honest sikyo sa Pampanga sinoli P200K

Pinapurihan ni Pampanga Governor Dennis ‘Delta’ Pineda ang dalawang sikyo na tauhan ng pamahalaang panlalawigan na nagsoli ng P200,000 na naiwan sa palikuran ng kapitolyo sa San Fernando City nitong Lunes.

The post 2 honest sikyo sa Pampanga sinoli P200K first appeared on Abante.

2 honest sikyo sa pampanga sinoli p200k - 2 honest sikyo sa Pampanga sinoli P200K
abante sikyo - 2 honest sikyo sa Pampanga sinoli P200K

Pinapurihan ni Pampanga Governor Dennis ‘Delta’ Pineda ang dalawang sikyo na tauhan ng pamahalaang panlalawigan na nagsoli ng P200,000 na naiwan sa palikuran ng kapitolyo sa San Fernando City nitong Lunes.

Kinilala ng gobernador ang dalawa na sina Jason Jimenez at Kailo Enrile na kapwa nagpakita ng katapatan sa trabaho na nararapat umanong mapamarisan.

“Sa hirap ng buhay pinatunayan lang nila na may mabubuti pang tao sa panahon ngayon,” sabi ni Pineda. Ang dalawa ay kapwa umano nakatalaga sa Civil Security Unit (CSU), si Jimenez, 43, bilang casual at si Enrile ay naka-job order, ay nagsasagawa ng inspeksiyon nang makita ang paper bag sa isa sa mga cubicle ng men’s toilet sa ground floor alas-11:30 ng umaga.

Nang makita ang lamang salapi ay walang kaabog-abog na dinala ito sa CSU office at nai-turn over sa Office of the Governor.

Laman umano ng paper bag ang cash at resibo ng may-ari sa kaniyang quarry business. Pagkaraan ng isang oras ay nakuha ng may-aring si Reynaldo Carlos ang naiwanan.

“Nangibabaw pa rin ang habilin sa atin ng mahal nating governor na pangalagaan ang gamit na makikita sa loob ng Kapitolyo. Ang pera madaling makita pero ang tiwala ng mga tao mahirap hanapin,” pahayag ni Jimenez.

Ayon naman kay Amy Bondoc, hepe Human Resources Management Office, inerekomenda niya ang pagkuha sa dalawa para sa permanent at casual position. (Jojo De Guzman)

The post 2 honest sikyo sa Pampanga sinoli P200K first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *