2 hinambalos ng baseball bat

SUGATAN ang dalawa katao nang pagpapaluin ng baseball bat sa ulo ng da­ting karibal sa Imus City, Cavite.

The post 2 hinambalos ng baseball bat appeared first on Abante News Online.

2 hinambalos ng baseball bat - 2 hinambalos ng baseball bat
baseball - 2 hinambalos ng baseball bat

SUGATAN ang dalawa katao nang pagpapaluin ng baseball bat sa ulo ng da­ting karibal sa Imus City, Cavite.

Ginagamot sa Imus Family Hospital ang biktima na si Ryan Legarda, 25, binata, cargo reloader ng Block 2 Lot 3, Goldlane Subd., Anabu 1-F, Imus City at Neil Luzon, 27, binata, call center agent ng Block 2 Lot 56, Goldlane Subd., Anabu 1-F, Imus City dahil sa sugat sa ulo.

Arestado naman ang suspek na nakilalang si Eugene Espiritu, 26, binata, isang seafarer ng 461, Brgy. Anabu I-C, Imus City at isang John Doe.

Sa report ni PO1 Jessie Villa­nueva ng Imus City Police Station, alas-11:30 nang gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng bahay ni Legarda habang nag-iinuman ang dalawa.

Nabatid na may nakapagsabi sa suspek na nag-iinuman ang dalawa kaya agad silang dumating sa lugar sakay ng jeepney. Sinugod ang biktima at walang sabi-sabing pinagpapalo ni Espiritu si Legarda sa ulo habang ang kasama nito ay pinukpok naman sa ulo si Luzon.

The post 2 hinambalos ng baseball bat appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *