2 empleyado tinanggal ng SC sa tungkulin

Tinanggal sa tungkulin ng Supreme Court (SC), ang dalawang emple­yado ng korte matapos kunin sa loob ng court room ang isang computer set na naglalaman ng impormasyon sa mga kasong may kinalaman sa droga habang ang isa naman ay court sheriff na nag-solicit ng pera sa isang complainant.

The post 2 empleyado tinanggal ng SC sa tungkulin appeared first on Abante News Online.

2 empleyado tinanggal ng sc sa tungkulin - 2 empleyado tinanggal ng SC sa tungkulin
supreme court - 2 empleyado tinanggal ng SC sa tungkulin

Tinanggal sa tungkulin ng Supreme Court (SC), ang dalawang emple­yado ng korte matapos kunin sa loob ng court room ang isang computer set na naglalaman ng impormasyon sa mga kasong may kinalaman sa droga habang ang isa naman ay court sheriff na nag-solicit ng pera sa isang complainant.

Sa dalawang magkahiwalay na curiam decisions, napatunayan na si Lou D. Laranjo, Clerk of Court II, ng Municipal Circuit Trial Court (MCTC) ng Lugait-Manticao-Naawan, Misamis Oriental ay napatuna­yang guilty sa kasong grave misconduct at se­rious dishonesty.

Bukod sa pagtanggal sa tungkulin, habambuhay rin siyang diniskuwalipika na makapag­lingkod sa anumang pampublikong tanggapan, tinanggalan rin siya ng retirement benefits maliban sa naipon na leave credits.

Ang kaso laban kay Laranjo ay nag-ugat sa ipinadalang report sa Office of the Court Administrator ni MCTC Presiding Judge Renato T. Arroyo, kung saan inireklamo na kinuha nito ang computer ni MCTC Court Stenographer I Neza L. Malinao at ibinalik sa munisipalidad ng Naawan, Misamis Oriental, na unang nag-donate nito sa korte.

Nabatid na ang computer files ni Malinao ay naglalaman ng sensitibong impormasyon tulad ng mga pagkakilanlan at testimonya ng mga confidential agents at informant sa search warrant applications kaugnay sa illegal drug cases.

Ang ginawa nj Laranjo ay hindi umano makatuwiran at hindi awtorisado dahil ang computer ay kinuha nang gabi at weekend.

Inirekomenda ng Office of the Court Administrator (OCA) ang pag-dismiss sa tungkulin kay Laranjo matapos pagdudahan ang kanyang tunay na intensiyon sa paglabas sa computer ikinonsidera pa ang naunang pag-aresto sa kanya dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga.

Samantala, tinanggal rin sa tungkulin ng SC si Alan C. Javier, She­riff IV ng Regional Trial Court (RTC)-Office ng Clerk of Court, Tanauan City, Batangas na napatunayan guilty sa kasong grave misconduct, dishonesty at conduct prejudicial to the best interest of service.

Inalisan rin ng SC ng benepisyo at habambuhay na ban sa anumang tanggapan sa gobyerno.

Pinagtibay ng SC ang report ng OCA na nakakakuha ng sapat na ebidensiya laban kay Javier na lumabag sa Section 10 Rules of Court dahil sa pagso-solicit at pagtanggap ng pera sa complainant na si Roman P. Trinidad.

Sinabi ng SC na ang kasong grave misconduct at dishonesty ay may katapat na parusang pagkasibak sa tungkulin. (Juliet de Loza-Cudia)

The post 2 empleyado tinanggal ng SC sa tungkulin appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *