2 Egyptian, 1 Pinoy terrorist patay sa Sulu

2 Egyptian, 1 Pinoy terrorist patay sa Sulu

NAHARANG ang malagim sanang pagpapasabog sa Metro Jolo matapos na tatlong suicide bomber, dalawa sa mga ito ay Egyptian national habang isa ay lokal na miyembro ng Abu Sayyaf Group, ang napatay sa isang military checkpoint sa Indanan, Sulu kamakalawa.

2 egyptian 1 pinoy terrorist patay sa sulu - 2 Egyptian, 1 Pinoy terrorist patay sa Sulu
sulu 6 - 2 Egyptian, 1 Pinoy terrorist patay sa Sulu

NAHARANG ang malagim sanang pagpapasabog sa Metro Jolo matapos na tatlong suicide bomber, dalawa sa mga ito ay Egyptian national habang isa ay lokal na miyembro ng Abu Sayyaf Group, ang napatay sa isang military checkpoint sa Indanan, Sulu kamakalawa.

Napatay ang mga suspek matapos ang limang minutong pakikipagpalitan ng putok sa mga militar.

Nakasakay ang tatlong suicide bomber sa isang motorsiklo na nanggaling sa Maimbung nang maharang sila ng mga tropa sa national highway sa Sitio Itawon, Barangay Kan Islam, Indanan, Sulu.

Kinilala ang dala­wang dayuhang tero­rista sa pangalang ‘Abduramil’ at ‘Abdurahman’ na umano’y mag-ama, asawa at anak ng babaeng suicide bomber na umatake sa military post noong Setyembre 8, 2019.

Narekober sa mga terorista ang isang cal.45 pistol na may bala, isang hand grenade, at dalawang vest na puno ng pampasabog at triggering device. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *