2 DepEd official, barangay captain tinodas ng hitman

AGAD binawian ng buhay ang isang school principal at kapatid nitong opisyal ng Department of Education (DepEd) matapos pasukin ng hindi pa batid na bilang ng armadong lalaki ang bahay nila Huwebes nang hatinggabi sa Guihulngan City, Neg­ros Oriental.

The post 2 DepEd official, barangay captain tinodas ng hitman appeared first on Abante News Online.

2 deped official barangay captain tinodas ng hitman - 2 DepEd official, barangay captain tinodas ng hitman
ABANTE neg - 2 DepEd official, barangay captain tinodas ng hitman

AGAD binawian ng buhay ang isang school principal at kapatid nitong opisyal ng Department of Education (DepEd) matapos pasukin ng hindi pa batid na bilang ng armadong lalaki ang bahay nila Huwebes nang hatinggabi sa Guihulngan City, Neg­ros Oriental.

Pawang idineklarang dead-on-arrival dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina Arthur Cordevilla Bayawa, 55, school principal ng isang science high school, at Ardale Cordevilla, 49, binata, Curriculum Implementation Division chief ng DepEd Guihulngan Division.

Sa ulat na ipinadala ni Police Lt. Col. Bonifacio Tecson sa Camp Crame, naganap ang pamamaslang dakong alas-12:55 nang hatinggabi nang pasukin ng mga armadong kalalakihan ang bahay ng magkapatid sa Barangay Hibaiyo ng nasabing lungsod.

Napag-alaman na dinistrungka ng mga suspek ang padlock ng main door ng bahay at nang makapasok ay walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga biktima.
Samantala, hindi pa man natatapos ang magdamag ay pinatay rin sa loob ng tahanan nito ang kapitan ng Brgy. Buenavista sa parehong lungsod.

Dead-on-arrival sa pagamutan matapos magtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang nakilalang si Romeo Arbole Alipan, 64, may asawa, kapitan ng Brgy. Buenavista at residente ng La­rena, Brgy. Poblacion ng nabatid na lungsod.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1:40 nang madaling-araw habang nasa kasarapan ng tulog ang biktima sa kanyang bahay nang pasukin ito ng hindi batid na bilang ng mga suspek at pagbabarilin.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek. Dinala pa sa pagamutan si Alipan ngunit hindi rin umabot nang buhay. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa kaso. (Edwin Balasa)

The post 2 DepEd official, barangay captain tinodas ng hitman appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *