2 dedo sa Quezon killer highway

Ginang na nakipagsabunutan, todas sa atake sa puso

PATAY ang dalawang katao habang sugatan ang 57 iba pa matapos ang naganap na aksidente ng isang trailer truck at pampasaherong bus kahapon nang hatinggabi sa tinaguriang killer highway sa Diversion Road ng Brgy. Malinao Ilaya sa Atimonan, Quezon.

The post 2 dedo sa Quezon killer highway appeared first on Abante News Online.

2 dedo sa quezon killer highway - 2 dedo sa Quezon killer highway
dead 4 - 2 dedo sa Quezon killer highway

PATAY ang dalawang katao habang sugatan ang 57 iba pa matapos ang naganap na aksidente ng isang trailer truck at pampasaherong bus kahapon nang hatinggabi sa tinaguriang killer highway sa Diversion Road ng Brgy. Malinao Ilaya sa Atimonan, Quezon.

Base sa inisyal na imbestigasyon, parehong dead-on-the-spot ang drayber ng trailer truck na inaalam pa ang pagkakakilanlan, at drayber ng Mark Eve’s Transit bus na si Jonathan Lirio.

Nasugatan ang 56 na pasahero ng bus gayundin ang isang pahinante ng trak na agad isinugod sa iba’t ibang pagamutan dahil sa tinamong mga pinsala sa ulo at katawan.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 4-A sa Camp Crame, naganap ang insidente alas-12:00 nang hatinggabi sa kahabaan ng Maharlika highway na sakop ng nasabing barangay.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na matu­ling tinatahak ng trailer truck ang palusong na bahagi ng kalsada patungo ng Bicol at pagdating sa pakurbang bahagi nito ay nawalan ng kontrol ang drayber sa manibela dahilan upang bumaligtad ito ng ilang ulit at humampas sa kasalubong na bus kung saan sa lakas ng paghampas ng trak sa bus ay agad na nasawi ang dalawang drayber habang sugatan naman ang mga pasahero ng bus na karamihan sa mga ito ay tulog ng maganap ang insidente.

Base sa huling ulat, may anim na kritikal sa mga pasahero ng bus na ngayon ay patuloy na inoob­serbahan sa ospital.

Galing umano sa Pilar, Sorsogon ang bus at karamihan sa pasahero ay nagmula naman sa lalawigan ng Masbate at patungo sa Metro Manila. (Ronilo Dagos/Edwin Balasa)

The post 2 dedo sa Quezon killer highway appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *