2 Chinese national kalaboso sa paggulpi sa kababayan

Arestado ang dalawang Chinese national, makaraang pagtulungan gulpihin ang kanilang kababayan matapos magkaroon ng mainitang pagtatalo sa harapan ng Resorts World Hotel sa Pasay City kahapon nang mada­ling-araw.

2 chinese national kalaboso sa paggulpi sa kababayan - 2 Chinese national kalaboso sa paggulpi sa kababayan
kulong - 2 Chinese national kalaboso sa paggulpi sa kababayan

Arestado ang dalawang Chinese national, makaraang pagtulungan gulpihin ang kanilang kababayan matapos magkaroon ng mainitang pagtatalo sa harapan ng Resorts World Hotel sa Pasay City kahapon nang mada­ling-araw.

Nahaharap sa kasong physical injury at grave coercion sina Canfeng Lou, 37-anyos, at Long Zhong, 32, kapwa empleyado at pawang naninirahan sa Unit 1203 Hyatt Hotel na matatagpuan sa A. Mabini St., Manila.

Sa ulat, dakong alas-4:30 nang madaling-araw nang maganap ang insidente sa entrance ng East Wing ng Resorts World Hotel na matatagpuan sa Newport Boulevard, Barangay 183 Villa­mor ng nasabing lungsod.

Pormal na dumulog sa Pasay City Police ang biktimang si Meng Xiang Wang, 28-anyos, nakatira sa Stanford 18P Tower 1, Mckinley Hills, Taguig City upang magsampa ng reklamo laban sa dalawang kabaro nito.

Lumalabas sa report, una nang nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawang suspek at biktima sa hindi mabatid na dahilan hanggang sa mauwi sa suntukan at pinagtulungang bugbugin ang biktima.

Agad namang namagitan ang mga security guard ng nabanggit na hotel at humingi ng assistance sa Villamor Police Community Precinct (PCP).

Inabutan pa ng mga rumes­pondeng pulis na pinapayapa pa ng mga security ang dala­wang suspect at inaawat. ­(Armida Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *