2 cabinet sec nag-iisnaban

May lihim na alitan ang dalawang miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa isang isyung naglagay ngayon sa alanganin sa isa sa mga ito.

The post 2 cabinet sec nag-iisnaban first appeared on Abante.

2 cabinet sec nag iisnaban - 2 cabinet sec nag-iisnaban
Abante Kartada 8 - 2 cabinet sec nag-iisnaban

May lihim na alitan ang dalawang miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa isang isyung naglagay ngayon sa alanganin sa isa sa mga ito.

Bagamat nakikita sa publikong magkasama ang mga ito lalo na sa regular na public address ng Pangulo, tila mayroong matigas na pader na namamagitan sa mga ito at hindi nagkakatinginan sa mata.

Animo’y hindi nag-e exsist ang bawat isa sa tuwing tinitipon ng Presidente ang kanyang mga gabinete.

Nagalit si Cabinet A kay Cabinet B dahil sa pagiging madaldal umano nito at pabibo lalo na sa Presidente.

Nagsimula ang nanlamig na samahan ng dalawang opisyal matapos iparating ni Cabinet B sa Presidente ang isang isyung mahalaga sa panahong may kinakaharap na COVID pandemic na umanoy may koneksyon kay Cabinet A.

Nagulat mga utaw si Cabinet A dahil pakiramdam niya ay harap-harapan siyang tinraydor at ipahiya ng kanyang kapwa gabinete.

Inaaasahan naman ni Cabinet B na sasabunin ng Presidente ang isinumbong na kasamahan pero naging mahinahon pa rin ang Pangulo at hindi nangyari ang inaasahan nitong magiging eksena sana sa kanilang pulong.

Hindi binanggit ni Cabinet B kung kinompronta siya ng isinumbong na opisyal , subalit sa isang kuwentuhan sa mga miron, sinabi ng madaldal na opisyal na galit sa kanya ang kasamahang opisyal.

Paano naman kasing hindi magagalit si Cabinet A ay noon pa ay napapansin na umanong mainit ang dugo sa kanya ni Cabinet B at nakakuha ng pagkakataon na durugin siya sa harap ng Presidente.

Clue: Si Cabinet A ay marami ng pinagdaang puna at batikos pero nariyan pa rin , habang si Cabinet B ay idinadaan naman sa “hugot lines” ang mga banat sa kanya at pilit kinakalma ang sarili mula sa mga kritiko sa gobyerno at sa social media.

Gets nyo na?

The post 2 cabinet sec nag-iisnaban first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *