2 bigtime pusher bulagta sa Laguna shootout

Bulagta ang dalawa umanong bigtime tulak ng iligal na droga makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa San Pablo City, Laguna Sabado nang tanghali.

2 bigtime pusher bulagta sa laguna shootout - 2 bigtime pusher bulagta sa Laguna shootout
patay baril - 2 bigtime pusher bulagta sa Laguna shootout

Bulagta ang dalawa umanong bigtime tulak ng iligal na droga makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa San Pablo City, Laguna Sabado nang tanghali.

Kinilala ang mga suspek na sina Allan Saniel at Lloyd de Chavez na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Natadtad din ng bala ang brand new Toyota Pajero na sinasakyan ng dalawa.

Si Saniel, residente ng Barangay Sta. Mo­nica ay kanang-kamay umano at pinakapinagkakatiwalaang tauhan ng leader ng Amante Drug Group na si Edwin Amante.

Nangyari ang eng­kuwentro nang magsagawa ng buy-bust ope­ration ang kapulisan sa barangay road ng Sta. Ana, San Pablo City alas-12:50 nang tanghali.

Nakipagkita umano ang dalawang suspek sa mga undercover na pulis at nang malaman nitong pulis ang katran­saksyon ay agad na pinaputukan ang mga operatiba. Armado ang dalawa ng tig-isang kalibre .45 baril.

Nakuha pa sa dalawa ang isang 9mm at isang cal. 38 revolver na baril gayundin ang nasa 50 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P250,000. (Ronilo Dagos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *