2 babae todas sa pamamaril sa Calamba

Patay ang dalawang babae sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Calamba City kamakalawa.

2 babae todas sa pamamaril sa calamba - 2 babae todas sa pamamaril sa Calamba
dead 12 - 2 babae todas sa pamamaril sa Calamba

Patay ang dalawang babae sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Calamba City kamakalawa.

Batay sa report ng Calamba City police, unang nasawi ang biktimang si Analyn Odasco, 4­7-anyos, na binaril umano ng suspek na si Ruben Lapitan sa Sitio Mangumit, Brgy. Canlubang alas-3:15 nang hapon.

Dumating ang suspek na sakay ng isang kulay itim na kotse sa harap ng bahay at pagkababa ay sunod-sunod na pinaputukan ang biktima.

Agad nasawi ang babae samantalang n­adamay din ang tatlong naglalarong bata na ngayon ay ginagamot pa lahat sa Global Care Medical Center.

Samantala sa Brgy. Sirang Lupa, patay din ang 49-anyos na si Erwina Viterbo Vial, matapos barilin ng suspek na si Angelito Salcedo, alas-7:10 nang gabi.

Agad ding tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Patuloy pa ang im­bestigasyon ng mga pulis at inaalam ang mo­tibo sa dalawang kaso.

Nagsasagawa pa ng manhunt operation ang Calamba City police sa ikadarakip ng dalawang suspek. (Ronilo Dagos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *