2 araw pa bago bumalik kuryente

Posibleng abutin pa ng dalawang araw bago ganap na maibalik ang ng kuryente sa National Capital Region, Central Luzon at Calabarzon na sinusuplayan ng Meralco.

The post 2 araw pa bago bumalik kuryente first appeared on Abante.

2 araw pa bago bumalik kuryente - 2 araw pa bago bumalik kuryente
walang kuryente - 2 araw pa bago bumalik kuryente

Posibleng abutin pa ng dalawang araw bago ganap na maibalik ang ng kuryente sa National Capital Region, Central Luzon at Calabarzon na sinusuplayan ng Meralco.

Inihayag ito ni Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi sa press briefing ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes.

Ayon kay Cusi, nagpakalat na ang Meralco ng mahigit 4,000 tauhan para ayusin ang mga linya ng kuryente na napinsala ng bagyong `Ulysses’.

Base sa Meralco, 6.7% o 453,349 ng kanilang mga kustomer ang wala pa ring kuryente hanggang alas-11:00 ng umaga nitong Biyernes.

Ang inisyal na tantiya ng mga apektadong kustomer ay mahigit 3.8 milyon subalit nabawasan na umano ito matapos maibalik ang kuryente sa ibang lugar. (PNA)

The post 2 araw pa bago bumalik kuryente first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *