2 airport janitor pinarangalan sa katapatan

DALAWANG kawani ng Bohol-Panglao International Airport (BPIA) ang kinilala ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) dahil sa katapatan matapos isoli ang mga napulot na gamit ng mga pasahero.

2 airport janitor pinarangalan sa katapatan - 2 airport janitor pinarangalan sa katapatan
janitor - 2 airport janitor pinarangalan sa katapatan

DALAWANG kawani ng Bohol-Panglao International Airport (BPIA) ang kinilala ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) dahil sa katapatan matapos isoli ang mga napulot na gamit ng mga pasahero.

Kinilala ang dalawang empleyadong pinuri ng mga opisyal ng CAAP Area VII sa kanilang katapatan na sina Lourdes Malou Montalban at Christopher Horcasitas.

Sa isang post sa social media, pinuri ng CAAP si Christopher Horcasitas matapos ibalik ang isang sling bag na naglalaman ng P48,940, iba’t ibang foreign currency, mga ID, government-issued card, at bundle ng mga susi na naiwan ni Marco Fernando L. Ng.

Si Montalban naman ay kinilala rin pagkatapos maibalik ang isang smartphone na naiwan ng isang pasahero sa comfort room ng paliparan. (Mina Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *