2.7M nagkatrabaho kahit pandemya

NABAWASAN ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa sa kabila ng mga ipinatupad na quarantine restriction upang maagapan ang pagkalat ng COVID 19.

The post 2.7M nagkatrabaho kahit pandemya first appeared on Abante.

2 7m nagkatrabaho kahit pandemya - 2.7M nagkatrabaho kahit pandemya
abante quarantine - 2.7M nagkatrabaho kahit pandemya

NABAWASAN ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa sa kabila ng mga ipinatupad na quarantine restriction upang maagapan ang pagkalat ng COVID 19.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) kahapon 4.6 milyong Pilipino ang walang trabaho noong katapusan ng Hulyo pero mas mababa ito ng 2.7 milyon sa dating record na 7.3 milyon noong Abril nitong taon .

Ayon sa PSA nasa 61.9 milyon ang bilang ng mga manggagawa sa bansa noong Hulyo, mas marami kaysa sa 55.6 milyon na naitala noong Abril 2020 para sa unemployment rate na 10%.

Matatandaang naitala sa bansa ang pinakamasahol na datos sa trabaho nung Abril sa kasagsagan ng lockdown sa bansa kung saan ay 7.3 milyon ang nawalan ng trabaho at ang unemployment rate, o bilang ng mga taong walang trabaho kumpara sa mga naghahanap ng trabaho, ay nasa 17.7% na dinaig pa ang kawalan ng trabaho nung panahon ng diktador na si Ferdinand Marcos.

Ayon kay National Economic and Development officer in charge Karl Kendrick Chua, malaki ang epekto ng quarantine measures o ang pagbawal sa mga taong bumiyahe sa ibang bayan o rehiyon sa trabaho at sa ekonomiya.

Pero sa kabila ng pandemya, sabi ni Chua ay nasa 2.7 milyon ang nagkatrabaho nang nagluwang ang quarantine restrictions.

(Eileen Mencias/with MBillones/MAquino/VAquino)

The post 2.7M nagkatrabaho kahit pandemya first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *