1K nurse wanted sa Saudi; Israel hotel, tourism worker naman

Suweldo ng mga gov’t nurse ipapako sa ₱30K

MAGSISIMULA nang tumanggap sa isang buwan ng mga manggagawang Pilipino, ang industriya ng hotel at turismo sa Israel at nangangailangan ng mga nars na Pinoy sa health ministry ng Kingdom of Saudi Arabia.

1k nurse wanted sa saudi israel hotel tourism worker naman - 1K nurse wanted sa Saudi; Israel hotel, tourism worker naman
nurse 4 - 1K nurse wanted sa Saudi; Israel hotel, tourism worker naman

OFW sugod na!

MAGSISIMULA nang tumanggap sa isang buwan ng mga manggagawang Pilipino, ang industriya ng hotel at turismo sa Israel at nangangailangan ng mga nars na Pinoy sa health ministry ng Kingdom of Saudi Arabia.

Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia maari nang mag-apply dahil Pilipino ang gusto ng Israel kung kaya’t maganda itong oportunidad.

Sa kabilang dako, sinabi ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na maraming skills o kasanayan ang mga Pilipino at tiyak na makakasabay sila sa merkado ng paggawa.

Sinabi ni Deejae Juanta ng TESDA, kung kayang magpa-assess ang mga aplikante ng mas maraming National Certificate Level 2 ay mas mabuti upang maging masaya ang employer kung mas maraming kayang gawin ang empleyado.

Bukod sa Israel, ang Kingdom of Saudi Arabia (KSA) ay na­ngangailangan din ng mga manggagawang Pilipino.

Ayon sa Ministry of Health ng KSA, na­ngangailangan sila ng 1,000 babaeng nars na may buwanang suweldo na P60,000 – kabilang ang iba pang mga benepisyo, tulad ng libreng pamasahe at tirahan, bukod sa iba pang mga benepis­yo. (Mina Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *