1K katao tigok sa bagyo sa Mozambique

HIGIT sa 1,000 katao ang pinangangambahang namatay sa bagyong bumayo sa Mozambique noong nakaraang Huwebes, habang 200 naman ang nawawala sa katabing bansa ng Zimbabwe.

The post 1K katao tigok sa bagyo sa Mozambique appeared first on Abante News Online.

1k katao tigok sa bagyo sa mozambique - 1K katao tigok sa bagyo sa Mozambique
abante Mozambique - 1K katao tigok sa bagyo sa Mozambique

HIGIT sa 1,000 katao ang pinangangambahang namatay sa bagyong bumayo sa Mozambique noong nakaraang Huwebes, habang 200 naman ang nawawala sa katabing bansa ng Zimbabwe.

Ang siyudad ng Beira sa kabisera ng Mozambique ang napuruhan ng bagyong Idai noong Huwebes, Marso 14.

Ayon kay President Filipe Nyusi, 84 na ang kumpirmadong patay pero sa isinagawang aerial inspection niya nitong Lunes, tinatantiya niyang lalagpas sa 1,000 katao ang natodas sa bagyo.

Sa kanyang pag-iikot ay marami itong nakitang tao na umakyat sa puno dahil sa mataas na baha.

Maging ang International Federation of Red Cross at Red Crescent Societies, nagimbal sa kanilang nasaksihan.

Tinatayang 90 porsyento ng siyudad ang winasak ng bagyo. Nasa kalahating milyong katao ang naninirahan sa siyudad ng Beira.

The post 1K katao tigok sa bagyo sa Mozambique appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *