19 Pinoy stranded sa China pauwi na – DFA

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pag-uwi bukas ng umaga, Setyembre 29, ng 19 Pilipino na stranded sa China, lulan ng isang chartered flight.

The post 19 Pinoy stranded sa China pauwi na – DFA first appeared on Abante.

19 pinoy stranded sa china pauwi na dfa - 19 Pinoy stranded sa China pauwi na – DFA
tonite dfa 1 - 19 Pinoy stranded sa China pauwi na – DFA

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pag-uwi bukas ng umaga, Setyembre 29, ng 19 Pilipino na stranded sa China, lulan ng isang chartered flight.

Base sa pahayag ng DFA nitong Lunes, kabilang sa mga uuwi ay 16 na marino at tatlong land-based overseas Filipino worker (OFW).

Ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Y. Arriola, 11 sa 16 marino ay mula sa Ocean Star 86 na stranded sa Dongshan simula pa noong Marso 2020. Makakasama nila sa pag-uwi ang lima pang marinong Pinoy na lulan ng M/V Maria P., na stranded naman sa Ningde mula pa noong Hulyo 2020.

Ang mga nasabing sasakyang pandagat ay parehong Chinese fishing vessel na natigil ang biyahe dahil sa “no disembarkation” policy ng China bilang pag-iingat sa COVID-19 pandemic at sanhi rin ng kawalan ng commercial flight.

The post 19 Pinoy stranded sa China pauwi na – DFA first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *