19 minero ng Nickel Asia tinamaan ng virus

Sinuspinde ng Nickel Asia Corporation ang pagmimina nito sa Tagana-an sa Surigao del Norte matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang mga tauhan.

The post 19 minero ng Nickel Asia tinamaan ng virus first appeared on Abante.

19 minero ng nickel asia tinamaan ng virus - 19 minero ng Nickel Asia tinamaan ng virus
abante nickcle asia - 19 minero ng Nickel Asia tinamaan ng virus

Sinuspinde ng Nickel Asia Corporation ang pagmimina nito sa Tagana-an sa Surigao del Norte matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang mga tauhan.

Ayon sa Philippine Stock Exchange (PSE), sinabi ng Nickel Asia na suspendido ang operasyon ng Hinatuan Mining Corp. nito hanggang Nobyembre 10 para makapaglatag ng mga hakbang upang mabawasan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga tauhan at malalapit na pamayanan.

Inulat ng kompanya noong Oktubre 19 na 2 empleyado nito ang dinala sa ospital dahil nakitaan ng sintomas ng COVID-19 at kalaunan ay nagpositibo sa swab test. Agad naman umanong sinailalim sa isolation ang mga nakasalamuha nila.

Dagdag dito, naglabas na umano ng kautusan ang lokal na pamahalaan para i-lockdown ang minahan.

Bukod sa unang nagpositibo, may 17 pa itong tauhan na nahawa sa COVID-19 kaya’t sinspinde nito ang operasyon simula noong Lunes.

Ang Nickel Asia ang pangalawang listed mining company na nag-ulat ng kaso ng COVID19 sa minahan. Nauna na ang Philex Mining Corp. na nagsabing nagkahawahan ng sa minahan nito sa Padcal sa Tuba, Benguet. (Eileen Mencias)

The post 19 minero ng Nickel Asia tinamaan ng virus first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *