18 patay sa India plane crash

Umabot sa 18 ang nasawi habang nasa 46 ang nagtamo ng serious injury sa pagbulusok sa runway habang pa-landing ng eroplano ng Air India Express sa Kozhikode Calicut International Airport nitong Biyernes ng gabi.

18 patay sa india plane crash - 18 patay sa India plane crash
india plane crash - 18 patay sa India plane crash

Umabot sa 18 ang nasawi habang nasa 46 ang nagtamo ng serious injury sa pagbulusok sa runway habang pa-landing ng eroplano ng Air India Express sa Kozhikode Calicut International Airport nitong Biyernes ng gabi.

Ayon kay Civil Aviation Minister Hardeep Singh Puri, palapag na sa runway ang flight IX-1344 pero nahirapan ang mga piloto dahil sa pagbuhos ng ulan sa lugar. Sa paunang ulat, dumulas umano ang eroplano sa runway na sanhi para mahati sa dalawa ang eroplano.

Nasa 190 ang sakay ng nasabing eroplano, kabilang ang 10 bata, habang parehong nasawi ang dalawang piloto nito.

Ang nasabing flight ay parte ng repatriation ng India para mapauwi ang kanilang mga kababayan mula Dubai na apektado ng COVID-19 pandemic.

Samantala, iniimbestigahan na ng mga airport authority ang nangyaring aksidente sa India.

“Pained by the plane accident in Kozhikode. My thoughts are with those who lost their loved ones. May the injured recover at the earliest,” pakikiramay ni India Prime Minister Narendra Modi sa mga pamilya ng nasawi. (RP)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *