18 Immigration agent pinasususpinde sa extortion

PINASUSUSPINDE ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang 18 tauhan nito na sinasabing sangkot sa isang extortion attempt ng 15 Koreano sa Angeles, Pampanga noong nakaraang buwan.

The post 18 Immigration agent pinasususpinde sa extortion appeared first on Abante News Online.

18 immigration agent pinasususpinde sa extortion - 18 Immigration agent pinasususpinde sa extortion
abante morente 1 - 18 Immigration agent pinasususpinde sa extortion

PINASUSUSPINDE ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang 18 tauhan nito na sinasabing sangkot sa isang extortion attempt ng 15 Koreano sa Angeles, Pampanga noong nakaraang buwan.

Ito’y bilang pagtalima sa kautusan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte kung kaya’t inirekomenda ni Morente ang mga nasabing ope­ratiba na masuspinde habang naghihintay sa resulta ng isinasagawang imbestigasyon sa umano’y pangingikil sa panahon ng operasyon ng pagpapatupad ng batas.

Una nang naging laman ng mga pahayagan ang 18 ahente matapos ilang biktimang mga Koreano ang nagsampa ng reklamo sa Office of the President (OP) at sa Department of Justice (DOJ) laban sa kanila.

“Extortion is a violation of our oath of service. We cannot allow such instances to go unpunished. We have requested the DOJ, which is our mother department, to issue the suspension order,” wika ni Morente.

Aniya, ang mga ahente ay nahaharap sa parehong kaso ng administratibo at kriminal. (Mina Aquino)

The post 18 Immigration agent pinasususpinde sa extortion appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *