18 Chinese resto, supermarket pinasara sa Parañaque

UMAABOT sa 18 establisimyento na pag-aari ng mga Chinese national ang ipinasara ng Parañaque Business Permit License Office matapos madiskubreng walang mga business to operate ang kanilang mga negosyo.

The post 18 Chinese resto, supermarket pinasara sa Parañaque appeared first on Abante News Online.

18 chinese resto supermarket pinasara sa paranaque - 18 Chinese resto, supermarket pinasara sa Parañaque
chiense - 18 Chinese resto, supermarket pinasara sa Parañaque

UMAABOT sa 18 establisimyento na pag-aari ng mga Chinese national ang ipinasara ng Parañaque Business Permit License Office matapos madiskubreng walang mga business to operate ang kanilang mga negosyo.

Ayon kay Atty. Melanie Malaya, head ng BPLO may halos dalawang linggo na silang nagsagawa ng mapping up operation sa mga business district sa buong lungsod.

Kabilang sa mga ipinasara ay ang Wu Pinna Restaurant, Tuixianglo Restaurant; Sunshine Mart, All Thing Supermarket, at Juzi Mart na matatagpuan sa Barangay Baclaran.

Ipinasara rin ang Shabu-Shabu Restaurant, Chinli Eatery; Shaxian Food Pub; Abner and Angels Food House, Dao Dao Chinese Restaurant; Chinli Eatery na matatagpuan sa Barangay Tambo.

Kabilang din sa mga ipinasara ang Yaki Yaki Homemade Dish na nasa Barangay Sto. Niño.

Sinabi ni Malaya, simula pa noong Hunyo 20 inum­pisahan ang operation hanggang kahapon nang hapon.

Aniya, pawang mga Chinese national ang mga may-ari ng mga nasabing establisimyento na bigla na lamang nagtayo ng kainan na wala pang mga kaukulang permit sa pamahalaang lungsod.

Ang hakbang ng BPLO ay bilang pagtalima na rin sa kautusan ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez. (Armida Rico)

The post 18 Chinese resto, supermarket pinasara sa Parañaque appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *