16 OFW nagpanggap na turista, hinarang ng BI

HINDI nakalusot ang 16 na hindi dokumentadong overseas Filipino worker (OFW) nang harangin ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagtangkang umalis ng bansa sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang mga turista.

16 ofw nagpanggap na turista hinarang ng bi - 16 OFW nagpanggap na turista, hinarang ng BI
ABANTE bi bureau of immigration1 - 16 OFW nagpanggap na turista, hinarang ng BI

HINDI nakalusot ang 16 na hindi dokumentadong overseas Filipino worker (OFW) nang harangin ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagtangkang umalis ng bansa sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang mga turista.

Sa ulat na ipinarating kay BI Commissioner Jaime Morente ni BI Port Operations Division chief Grifton Medina, ang mga pasahero ay naharang sa dalawang batch sa NAIA terminal 3 noong Agosto 7 habang pasakay sa kanilang Cebu Pacific Airways flight papuntang Taiwan at Hong Kong.

Ang isang batch ay binubuo ng 12 pasahero na papuntang Taipei habang ang iba pang grupo ng apat na pasahero ay papunta sa Hong Kong.

“They all confessed during questioning that they are not tourists and that they were hired to work abroad by illegal rec­ruiters,” ani Medina.

Sa imbestigasyon ng BI, nabuking na ang 12 na papuntang Taipei, na karamihan ay kababaihan, ay umaming ang kanilang pinakahuling destinasyon ay sa United Arab Emirates kung saan sila ay hinikayat magtrabaho ng isang travel agency na nakabase sa Maynila.

Habang inamin din ng apat na babaeng pasahero na pupunta sila ng Hong Kong upang iproseso ang kanilang mga visa sa China kung saan sila’y pina­ngakuan ng trabaho ng isang negosyanteng Filipino-Chinese.

“These syndicates just won’t stop. Many still attempt to leave in the guise of being tourists, some in fake group tours. We wish to warn our kababayan about this modus, do not fall for the sweet-talk of these illegal recruiters. They only want to profit at your expense,” babala ng BI chief. (Mina Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *