16 dedo sa US wildfire

Umakyat na sa 16 ang kumpirmadong nasawi sa nagaganap na wildfire sa California, Oregon, at Washington sa United States.

The post 16 dedo sa US wildfire first appeared on Abante.

16 dedo sa us wildfire - 16 dedo sa US wildfire
Wildfire - 16 dedo sa US wildfire

Umakyat na sa 16 ang kumpirmadong nasawi sa nagaganap na wildfire sa California, Oregon, at Washington sa United States.

Nasa higit 20,000 bombero na rin umano mula sa iba pang bahagi ng US ang umaapula sa apoy. Inaasahan din na tataas pa umano ang posibleng masawi dahil sa ginagawa pang operasyon ng awtoridad sa mga nasunog na lugar.

Sa Oregon, nasa 40,000 na umano ang napilitang umalis sa kanilang mga tahanan, habang may 500,000 pa ang binigyan ng evacuation warning o paghahanda para lumikas.

Umaasa naman ang mga awtoridad na makikisama na ang panahon para mas madaling maapula ang apoy.

The post 16 dedo sa US wildfire first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *