16 bangkay ng Pilipino sa mass grave nadiskubre

16 bangkay ng Pilipino sa mass grave nadiskubre

ISANG mass grave sa Hawaii ang nadiskubre kung saan bumulaga ang mga bangkay ng may 16 Pilipino noong Oktubre 20.

16 bangkay ng pilipino sa mass grave nadiskubre - 16 bangkay ng Pilipino sa mass grave nadiskubre
mass grave - 16 bangkay ng Pilipino sa mass grave nadiskubre

ISANG mass grave sa Hawaii ang nadiskubre kung saan bumulaga ang mga bangkay ng may 16 Pilipino noong Oktubre 20.

Pinaniniwalaang mga raliyista ang mga biktima at kabilang sa namatay sa ‘1924 Hanapepe Massac­re’ sa Kauai noong 1924.

Noong Setyembre 9, 1924, 16 Filipino plantation striker at apat na deputized civilian ang pinatay sa nangyaring massacre.

Isang team ng Filipino-American National Historical Society Hawaii State Chapter ang nakatagpo sa hukay sa Hanapepe Filipino Ceme­tery, ilang talampakan lang ang layo mula sa concrete marker na may nakasulat na ‘Born 1886. Died Sept. 9. 1924’.

Kinunan ni Emmy-winning independent filmmaker Stephanie Castillo at ng Oahu crew ang pagkakadiskubre sa hukay kung saan gagamitin nila ang footage sa documentary na ‘The Hanapepe Massacre Mystery’ na nakatakdang ipalabas sa 2024.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *