15K volunteer naglinis sa Baseco

UMAABOT sa 15,000 mga volunteer ang dumagsa sa Baseco sa Port Area, Maynila para linisin ito.

15k volunteer naglinis sa baseco - 15K volunteer naglinis sa Baseco
ABANTE Baseco - 15K volunteer naglinis sa Baseco

UMAABOT sa 15,000 mga volunteer ang dumagsa sa Baseco sa Port Area, Maynila para linisin ito.

Bahagi ito ng pag-obserba sa 34th International Coastal Clean-Up Day na ginanap nitong Sabado na layuning pangalagaan ang kalinisan ng mga karagatan.

Kabilang sa mga lumahok sa paglilinis sa dalampasigan ng Baseco ay mga opisyal at kawani ng Department of Environment and Natural Resources, Manila City Hall, Phili­ppine Coast Guard, Metropolitan Manila Development Authority, Department of the Interior and Local Government, Pasig River Rehabilitation Commission, at Manila Police District.

Nagpahayag naman ng kasiyahan si DENR Undersecretary Mitch Cuna dahil sa dami ng mga lumahok sa coastal clean-up sa Baseco.

Naging kinatawan naman ni Manila Mayor­ Isko Moreno si Vice Mayor Honey Lacuna dahil dumalo ang alkalde sa pagbubukas ng 50th Women’s National Collegiate Athletic Association (NCAA) na ginanap sa MOA Arena.

Ayon kay Lacuna, napakaimportante ng coastal clean-up hindi lamang sa Manila Bay kundi sa Baseco dahil dito rin aniya kinukuha ang mga kinakaing yamang dagat.

Nakiusap din ito sa mga residente ng Baseco na hindi lamang tuwing ikalawang linggo ng Setyembre magsagawa ng paglilinis at manguna para pangalagaan ang ating kapaligiran. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *