150K magsasaka, P10B pananim apektado ng 3 bagyo

Kinumpirma ni Agriculture Secretary William Dar na umabot na sa P10 bilyon ang pinsalang idinulot ng tatlong magkakasunod na bagyong tumama sa bansa.

The post 150K magsasaka, P10B pananim apektado ng 3 bagyo first appeared on Abante.

150k magsasaka p10b pananim apektado ng 3 bagyo - 150K magsasaka, P10B pananim apektado ng 3 bagyo
Magsasaka 2 - 150K magsasaka, P10B pananim apektado ng 3 bagyo

Kinumpirma ni Agriculture Secretary William Dar na umabot na sa P10 bilyon ang pinsalang idinulot ng tatlong magkakasunod na bagyong tumama sa bansa.

Sinabi ni Sec Dar na maliban sa P10B halaga ng mga pananim na nawasak ng bagyong Quinta, Rolly at Ulysses ay mahigit sa 150,000 mga magsasaka ang apektado ang sakahan.

Hindi pa ani Dar kasama sa P10 bilyong pinsala ang epekto ng malawakang pagbahang dinaranas ngayon sa Region 2.

Naitala naman sa mahigit sa 275,000 ektarya ng mga lupain ang napinsala ng nasabing mga bagyong tumama sa bansa sa loob lamang ng halos isang buwan.

The post 150K magsasaka, P10B pananim apektado ng 3 bagyo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *