1,500 pamilya bibigyan ng bahay sa Marawi

Umaasa ang Social Housing Finance Corporation (SHFC) na matatapos nila ang 1,500 proyektong murang pabahay sa Marawi City bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte sa 2022.

1500 pamilya bibigyan ng bahay sa marawi - 1,500 pamilya bibigyan ng bahay sa Marawi
pabahay 3 - 1,500 pamilya bibigyan ng bahay sa Marawi

Umaasa ang Social Housing Finance Corporation (SHFC) na matatapos nila ang 1,500 proyektong murang pabahay sa Marawi City bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte sa 2022.

Sa ginanap na lingguhang Report to the Nation media forum ng National Press Club, sinabi ni Atty. Leo de Ocampo, OIC senior vice president for operations ng SHFC, na sa kabila ng maliit na budget na ibinigay sa kanila ng Kongreso na nagkakahalaga lamang ng P1.4 bilyon, patuloy ang pagsasaayos ng kanilang proyekto sa Brgy. Dulay na may 10 hektarya ang lawak malapit sa Marawi City.

Makikinabang umano ang 1,500 pamilya sa relocation site na karamihan ay pamilya mula sa mga indigenous people na naapektuhan ng pag-atake ng mga terorista sa Marawi.

Nabatid na dumaan sa international standards ang mga ipinagagawang bahay na may mga sariling kuwarto, banyo, kuryente at tubig na karaniwang kailangan sa isang komunidad.

Bukod pa rito, pinaplano rin ng SHFC na magdagdag ng panibagong relocation site malapit sa naturang lugar kung saan may lawak naman na limang hektarya ang lupang pagtatayuan ng murang pabahay ng ahensiya.

Katuwang ng SHFC ang Task Force Bangon Marawi sa pagtaguyod nito sa pamamagitan ng mga murang pabahay para sa mga residente na naapektuhan ng kaguluhan sa lugar katulong ang United Nations Habi­tat, Japan International Cooperation Agency (JICA), at iba pang ahensiya ng gobyerno. (Mina Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *