15 todas sa Sri Lanka shootout

TINATAYANG 15 katao ang patay matapos ang shootout sa pagitan ng mga pulis at mga pinaghihinalaang militante sa Sri Lanka nitong Biyernes nang gabi.

The post 15 todas sa Sri Lanka shootout appeared first on Abante News Online.

15 todas sa sri lanka shootout - 15 todas sa Sri Lanka shootout
Abante 2019 Srilanka - 15 todas sa Sri Lanka shootout

TINATAYANG 15 katao ang patay matapos ang shootout sa pagitan ng mga pulis at mga pinaghihinalaang militante sa Sri Lanka nitong Biyernes nang gabi.

Tatlong beses din nagkaroon ng pagsabog sa palitan ng putok ng dalawang panig sa bayan ng Sainthamaruthu, Kalmunai.

Sa 15 kataong namatay, 6 ang pinaghihinalaang terorista samantalang 9 ang sibilyan kabilang na ang isang bata.

Narekober ng mga awtoridad ang sankaterbang pampasabog, 100,000 ball bearing at uniporme at bandila ng ISIS sa bahay na pinaniniwalaang ginawang pagawaan at bodega ng pampasabog.

Isinagawa ang raid matapos isagawa ng mga militante ang pag-atake noong Easter Sunday kung saan 253 katao ang namatay, karamihan ay dumadalo sa misa ng Linggo ng pagkabuhay ni Hesukristo.

Sinisi ng awtoridad ang National Tawheed Jamath sa pamboboba pero hindi naman ito kinumpirma ng grupo, bagkus inako ito ng ISIS.

The post 15 todas sa Sri Lanka shootout appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *