15 senador kontra sa SOGIE bill — Sotto

Ibinunyag ni Senate Presidente Vicente ‘Tito’ Sotto III na mahigit 15 senador ang tutol umano sa pagpasa ng Sexual Orientation and Gender Identity Expression (SOGIE) Equality bill.

15 senador kontra sa sogie bill sotto - 15 senador kontra sa SOGIE bill — Sotto
sotto 5 - 15 senador kontra sa SOGIE bill — Sotto

Ibinunyag ni Senate Presidente Vicente ‘Tito’ Sotto III na mahigit 15 senador ang tutol umano sa pagpasa ng Sexual Orientation and Gender Identity Expression (SOGIE) Equality bill.

Ginawa ni Sotto ang pahayag matapos makipagpulong sa mga miyembro ng Christian Coalition for Righteousness, Justice and Truth (CCRJT) na pina­ngungunahan ni Rep. Eddie Villanueva, evangelist at founder ng Jesus is Lord Movement na nagtungo sa Senado para iprotesta ang naturang panukala.

“Yes! Yes na yes!” pahayag ni Sotto sa mga reporter nang tanungin kung kumpiyansa ba siyang hindi makakalusot sa Senado ang SOGIE equality bill.

“As a matter of fact, you would be surprised, but I would rather not name them now, but when the proper time comes I will. A great majority, I would say at least 15,” sambit pa nito.

Isinumite kahapon ng grupo ang kanilang position paper tungkol sa SOGIE bill.

Habang nagsasagawa ng press conference si Sotto at grupo ni Villanueva, nagsagawa naman ng exhibit ang mga pro-SOGIE group sa hallway ng Senado na nagpapakita ng buhay at karapatan ng mga kasapi ng lesbian, gay, bisexual, transgender, queer plus (LGBTQ+).

Sabi ni Senadora Risa Hontiveros, ang exhibit ay isang protesta umano laban sa karahasang nararanasan ng mga miyembro LGBTQ community.

Samantala, sinabi naman ni Sotto na ginawang prostitute umano ng ilang grupo ang salitang ‘gender’.

“There are groups na prinostitute ‘yung word na gender. ‘Yung gender kasi, is a sub-class of sex, male, female. Pati gender, feminine, masculine.

Hindi ko maintindihan kung paano nila nabaluktot ‘yun, na gamitin ‘yun, na naging transgender ang paggamit, ‘yung trans-woman, trans-man, ikinalulungkot ko, pero hanap ako nang hanap sa dictionary, walang word na trans-woman,” sabi ni Sotto. (Dindo
Ma­tining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *