15 patay sa pag-atake ng mga rebelde sa checkpoint

NASA 15 katao ang nasawi matapos tambangan­ ng mga hinihinalang militanteng Muslim sa southern Thailand.

15 patay sa pag atake ng mga rebelde sa checkpoint - 15 patay sa pag-atake ng mga rebelde sa checkpoint
Abante checkpoint - 15 patay sa pag-atake ng mga rebelde sa checkpoint

NASA 15 katao ang nasawi matapos tambangan­ ng mga hinihinalang militanteng Muslim sa southern Thailand.

Ayon sa Thailand Southern Army, dalawang security checkpoint sa Yala Province ang naging biktima ng nasabing pag-atake.

Ninakaw ng mga rebelde ang mga M-16 rifle at shotgun na kanilang ginamit sa pamamaril.

Dead on-the-spot ang 12 katao sa crime scene habang tatlo ang namatay sa ospital kung saan kabilang sa mga nasawi ang ilang pulis at defense volunteer.

Ito na ang itinuturing na pinakamalaking pag-atake ng mga rebelde sa kanilang bansa sa loob ng maraming taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *