15 mayor patalbugan ng pondo sa COVID bakuna

Nasa 15 local government unit (LGU) na ang naglaan ng badyet upang maturukan ng COVID-19 vaccine ang kani-kanilang mga nasasakupan.

The post 15 mayor patalbugan ng pondo sa COVID bakuna first appeared on Abante.

15 mayor patalbugan ng pondo sa covid bakuna - 15 mayor patalbugan ng pondo sa COVID bakuna
abante vaccine 4 - 15 mayor patalbugan ng pondo sa COVID bakuna

Nasa 15 local government unit (LGU) na ang naglaan ng badyet upang maturukan ng COVID-19 vaccine ang kani-kanilang mga nasasakupan.

Kabilang sa mga ito ay ang Cainta, Rizal (P150 milyon), Caloocan (P1 bilyon), Iloilo City (P200 milyon), Makati (P1 bilyon), Mandaluyong (P200 milyon), Manila (P250 milyon), Marikina (P82.7 milyon), Navotas (paunang P20 milyon), Parañaque (P250 milyon), Pasig (P300 milyon), Puerto Princesa, Palawan (P500 milyon), Quezon City (P1 bilyon), San Juan (P50 milyon), Valenzuela (P150 milyon) at Zamboanga City (P200 milyon).

Hinikayat naman ni Department of Health (DOH) Undersecretary Ma. Rosario Vergeire ang mga LGU na makipag-ugnayan sa pambansang pamahalaan gayong wala pang vaccine candidate sa bansa na binibigyan ng final approval at ng pahintulot na maibenta ang kanilang bakuna sa madla.

“Ang local governments ay hinihikayat ng national government to work with us because we can pool the funds and the national government can procure, and we can have an effective distribution system,” aniya pa.

Samantala, sinabi ni National Task Force Against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon sa press briefing sa Malacañang kahapon na dapat makipag-ugnayan ang LGU sa national government hinggil sa planong pagbili ng bakuna.

“Pwede pong mag-avail ng COVID-19 vaccines ang mga LGUs (local government units) pero ito po ay kailangan gawin through a tripartite system or agreement between iyong vaccine manufacturer, iyong LGU, at national government,” ani Dizon.

“Dahil po ang mga vaccine manufacturers sa buong mundo ang polisiya po nila ay nakikipagdeal lang po sila sa mga national governments,” dagdag nito.

The post 15 mayor patalbugan ng pondo sa COVID bakuna first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *