148M bakuna suntok sa buwan-Drilon

Inilarawan ni Senate Minority Leader Franklin M. Drilon ang COVID-19 vaccination plan ng gobyerno bilang “suntok sa buwan” dahil sa ilang balakid sa target nilang makuha ang 148 milyon doses na vaccine para mabakunahan ang 70 milyon Pinoy sa katapusan ng 2021.

The post 148M bakuna suntok sa buwan-Drilon first appeared on Abante.

148m bakuna suntok sa buwan drilon - 148M bakuna suntok sa buwan-Drilon
abnate drilon - 148M bakuna suntok sa buwan-Drilon

Inilarawan ni Senate Minority Leader Franklin M. Drilon ang COVID-19 vaccination plan ng gobyerno bilang “suntok sa buwan” dahil sa ilang balakid sa target nilang makuha ang 148 milyon doses na vaccine para mabakunahan ang 70 milyon Pinoy sa katapusan ng 2021.

“Parang suntok sa buwan ang vaccination program lalo na yung sinasabi nila na 148 million doses within the year. The arrival of the vaccines is not even definite,” pahayag ni Drilon sa isang statement.

“How can they say that they will be able to purchase 148 million doses by the end of 2021 when up to now, we haven’t given any Emergency Use Authorization to any vaccine and we have not been able to raise, through loans, all the needed amount for the purchase of the vaccines?” dagdag nito.

Nauna nang sinabi ng Food and Drug Administration na nakahanda na silang mag-isyu ng emergency use authorization (EUA) ngayong linggong ito.

“The plan is good on paper. The plan is filled with uncertainties and it leaves too much to chance,” dagdag pa nito.

Ayon kay Drilon, mahirap maabot ang target ng gobyerno na maka-secure ng 148 milyon doses sa taong ito lalo na’t sinabi ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez na 80 porsiyento ng globally supply ay nabili na ng mga mayayamang bansa. (Dindo Matining)

The post 148M bakuna suntok sa buwan-Drilon first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *