14 DPWH engineer tsinugi sa korapsyon

Sinibak na sa puwesto ang 14 district engineers ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na naunang inireklamo dahil sa katiwalian.

The post 14 DPWH engineer tsinugi sa korapsyon first appeared on Abante.

14 dpwh engineer tsinugi sa korapsyon - 14 DPWH engineer tsinugi sa korapsyon
abante dpwh - 14 DPWH engineer tsinugi sa korapsyon

Sinibak na sa puwesto ang 14 district engineers ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na naunang inireklamo dahil sa katiwalian.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar na inaksiyonan na nila ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos makitaan ng basehan ang mga reklamo sa ginawang imbestigasyon ng DPWH Task Force Against Corruption.

“Yung mga binanggit ni Pangulong Duterte ay na-relieve na at tuloy- tuloy ang imbestigasyon namin sa mga nagsa-submit ng reports. Mga labing-apat na ,” ani Villar.

Magpapatupad din aniya sila ng revamp sa mga susunod na araw habang patuloy ang case build-up sa mga reklamo laban sa iba pang opisyal at kawani ng ahensiya.

Sinabi ni Villar na maraming magiging pagbabago sa departamento at tuloy-tuloy ang gagawing paglilinis laban sa korapsiyon.

“Magkakaroon din kami ng rigodon sa loob ng department and maramin magiging pagbabago againstcorruption,” dagdag ni Villar.

Matatandaang inihayag ni Pangulo Duterte na isa ang DPWH sa mga ahensiyang talamak ang katiwalian dahil sa pakikipagwabwatan ng project engineers sa mga contractor .

Pinangalanan din ng Presidente sa kanyang mensahe sa bayan ang ilang district engineers ng ahensiya na yumaman umano dahil sa pagiging corrupt.(Aileen Taliping/Mina Navarro)

The post 14 DPWH engineer tsinugi sa korapsyon first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *