13th month ‘di puedeng ipagpaliban – Malakanyang

Hindi uubra ang mungkahi ng Department of Labor and Employement (DOLE) na ipagpaliban ang 13th month pay ng mga manggagawa dahil sa epekto ng COVID-19 sa negosyo.

The post 13th month ‘di puedeng ipagpaliban – Malakanyang first appeared on Abante.

13th month di puedeng ipagpaliban malakanyang - 13th month ‘di puedeng ipagpaliban – Malakanyang
abante 13month pay - 13th month ‘di puedeng ipagpaliban – Malakanyang

Hindi uubra ang mungkahi ng Department of Labor and Employement (DOLE) na ipagpaliban ang 13th month pay ng mga manggagawa dahil sa epekto ng COVID-19 sa negosyo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na malinaw na nakasaad sa batas paggawa na mandatory ang pamimigay ng 13th month pay at maipagpapaliban lamang ito kung maamyendahan ang batas.

Kung ano aniya ang nasa batas paggawa ay siyang dapat na sundin ng mga may-ari ng kumpanya dahil wala namang bagong batas para maaaring ipagpaliban ang pamimigay ng 13th month pay.

“The law has not been amended. That is the law, that is the mandatory provision of the labor code,” ani Roque.

Naunang inihayag nj Secretary Silvestre Bello III na nakasaad sa batas na maaaring ipagpaliban ang pagbibigay ng 13th month pay ng mga manggagawa lalo na sa mga kumpanyang nakaranas ng distress o pagkalugi dahil sa pandemya.(Aileen Taliping)

The post 13th month ‘di puedeng ipagpaliban – Malakanyang first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *