13 ospital sa Quezon sinita sa accounting system

SINITA ng Commission on Audit (COA) ang 13 hospital sa lalawigan ng Quezon na bigo umanong regular na mag-remit ng kanilang koleksyon sa Provincial Treasurer’s Office.

13 ospital sa quezon sinita sa accounting system - 13 ospital sa Quezon sinita sa accounting system
hospital - 13 ospital sa Quezon sinita sa accounting system

SINITA ng Commission on Audit (COA) ang 13 hospital sa lalawigan ng Quezon na bigo umanong regular na mag-remit ng kanilang koleksyon sa Provincial Treasurer’s Office.

Nag-aalala ang COA na baka humantong ito sa pagkalugi o maling paglustay sa pondo ng gobyerno.

Sa kanilang 2018 Annual Audit Report, 13 district­ at community hospital sa Quezon ang napsilip ng COA na ‘habitual’ umanong hindi nakakapag-remit ng koleksyon sa Provincial Treasurer’s Office.

Ayon sa COA, batay sa Section 29 ng Manual on the New Government Accounting System for Local Government Units, nakasaad na kinakailangang mag-remit ang mga kolektor ng isang beses man lang sa loob ng isang linggo o kapag umabot na sa P5,000 ang kanilang koleksyon.

Gayunman, nabunyag sa post-audit na umaabot ng tatlo hanggang 86 araw bago makapag-remit ang mga collecting officer. Pinakamatindi umano sa Magsaysay Memorial District Hospital (58 hanggang 86 araw), Gumaca District Hospital (37 hanggang 55 araw), at sa Bondoc Peninsula District Hospital o BPDH (26 hanggang 60 araw).

Sinita rin ng COA ang BPDH dahil ginagamit ­umano ang kanilang koleksyon para sa daily marketing expenses, kabilang na dito ang mga food supply para sa kanilang mga pasyente. Pinaliwanag naman umano ng BPDH na sanhi ito ng kakulangan nila ng pondo.

We understand their notion that waiting for the checks to be released for the food supplies would ­impair their operations, or would result in hunger to their parents, but it is still a violation of the procedures laid down by law,” ayon sa COA.

Sa pagsusuri sa cash account ng mga nasabing ospital­ ay lumabas na walang cashbook ang BPDH at Sampaloc Medicare Community Hospital para i-rekord ang kanilang mga koleksyon at remittance.

Inatasan ng COA ang mga finance officer ng Quezon na obligahin ang mga ospital na agarang mag-remit ng kanilang koleksyon para maiwasan ang paglustay sa pondo, pagnanakaw at maling paggamit nito.

Kabilang pa sa mga binanggit na ospital sa COA ­report ay ang mga sumusunod: Unisan Medicare ­Community Hospital, Mauban District Hospital, Guinayangan Medicare Community Hospital, Claro M. ­Recto Memorial District Hospital, San Francisco Municipal Hospital, San Narciso Municipal Hospital, Alabat Island District Hospital, Maria Eleazar District Hospital, at Doña Marta Memorial District Hospital. ­(Allan Yves Briones)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *