13 ‘Ninja Cops’ itutumba

NASA panganib umano ang buhay ng 13 pulis na sangkot sa maanomalyang drug raid noong 2013 ayon kay dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

13 ninja cops itutumba - 13 ‘Ninja Cops’ itutumba
ninja cop 1 - 13 ‘Ninja Cops’ itutumba

NASA panganib umano ang buhay ng 13 pulis na sangkot sa maanomalyang drug raid noong 2013 ayon kay dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Ayon kay Magalong, ang mga nasabing akusado na tinaguriang ‘ninja cops’ na kumupit umano ng milyon-milyong halaga ng shabu sa nasabing drug raid sa Mexico, Pampanga noong 2013 ay maaaring mapatay katulad ng iba umanong civilian agent na sangkot sa nasabing drug operation.

“I hope that those involved in the 2013 drug bust in Mexico, Pampanga, will finally realize that they are on their own,” pahayag ni Magalong sa isang panayam ng ANC.

“And I hope that some of them start talking unless they end up dead like the other civilian agents who [were] also involved in that drug operation,” dagdag pa nito.

Nasa pulisya na umano nakasalalay ang buhay ng mga ito at upang masiguro ang kaligtasan nila, saad pa ni Magalong.

Sa ngayon, ani Magalong na tanging si Lt. Col. Rodney Raymundo Baloyo lang umano ang nasa kustodiya ng pulisya matapos itong ma-contempt sa pagdinig ng Senado hinggil sa isyu ng ‘ninja cops’ habang ang 12 iba pa ay patuloy na nakalalaya at ang iba ay nasa serbisyo pa.

“They have to make sure that nothing happens to them. Because only one is in jail, only Baloyo. The rest are still performing functions as policemen or [on] floating status,” saad ni Magalong.

Paliwanag pa ni Magalong na lahat umano ng civilian agent na sangkot sa maanomalyang drug raid ay pawang mga pinatay na, kaya maari rin umano itong sapitin ng mga nasabing pulis.

“If you look at the civilian agents involved, all of them are already dead, they were killed. Anything can happen,” paalala ni Magalong.

Matatandaang matapos ang imbestigasyon sa Mexico, Pampanga drug raid noong 2013, napatunayang guilty sa kasong grave misconduct ang 13 nasabing pulis dahil sa bigo silang ma-account ang lahat ng nakumpiskang ebidensya sa nasabing drug raid.

Subalit imbes na matanggal sa serbisyo ay nabigyan lang ng 1 rank demotion ang mga nasabing akusado matapos silang magsumite ng motion for reconsideration. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *