13 ‘ninja cop’ pina-subpoena ng DOJ

Pinatawag na ng Department of Justice (DOJ) ang 13 umano’y “ninja cops” na sangkot sa drug recycling case sa Pampanga.

13 ninja cop pina subpoena ng doj - 13 ‘ninja cop’ pina-subpoena ng DOJ
DOJ 1 - 13 ‘ninja cop’ pina-subpoena ng DOJ

Pinatawag na ng Department of Justice (DOJ) ang 13 umano’y “ninja cops” na sangkot sa drug recycling case sa Pampanga.

Inatasan silang dumalo sa imbestigasyon sa kanilang kaso at magsumite ng dagdag na ebidensiya sa Oktubre 16 ng alas-10:00 ng umaga.

Nauna nang bumuo ng three-member panel of prosecutors si Justice Secretary Menardo Guevarra.

Ang binuong panel ang siyang muling mag-iimbestiga sa 13 na pulis na nagsagawa ng drug bust sa Pampanga noong 2013 kung saan nawala ang nasa 160 kilo umano ng shabu. (IS)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *