13 miyembro ng Tau Gamma Phi na sangkot sa hazing kinasuhan

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 8049 o Anti Hazing Law ang 13 miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity na diumano’y sangkot sa hazing sa estudyante ng Laguna State Polytechnic University (LSPU) sa San Pablo City.

13 miyembro ng tau gamma phi na sangkot sa hazing kinasuhan - 13 miyembro ng Tau Gamma Phi na sangkot sa hazing kinasuhan
Abante hazing - 13 miyembro ng Tau Gamma Phi na sangkot sa hazing kinasuhan

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 8049 o Anti Hazing Law ang 13 miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity na diumano’y sangkot sa hazing sa estudyante ng Laguna State Polytechnic University (LSPU) sa San Pablo City.

Mismong ang mga kapamilya ng biktimang si Jo­nathan Concordia, 18-an­yos, freshman crimi­nology student ng LSPU, ang nagsampa ng kaso sa City Prosecutor Office noong Miyerkoles, Oktub­re 2.

Kabilang sa mga sinampahan sina Kier Martinez na umano’y li­der ng grupo at ang mga miyembrong sina Jho­lues Baldeo, Shairus Alegado, John Keith Pasco, Mark Anthony Grutas, Jay Averion, Justine Recto, Louel Jay Silang, Jincent Rose Diaz Sotero, Renze Valenzuela, Kyla Nicole Nepomuceno, Ke­vin Adrian Torrano at Alfred Suarez.

Ayon kay PCol. Eli­seo Bernales, hepe ng San Pablo City Police, ang mga suspek ay mga aktibong estudyante ng LSPU ma­liban kay Martinez na alumnus na ng paaralan.

Matibay umanong ebidensya ang palitan ng message ng grupo sa group chat kung saan kabilang ang biktima at nabuksan ng mga kapamilya.
Tutulong pa rin umano ang LSPU upang mahanap pa ang iba pang sangkot sa hazing.

Samantala ayon sa pamilya, nananatiling under observation pa rin sa ospital si Concordia. (Ronilo Dagos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *