13.7% medical inflation pinalagan ng Anakalusugan

Nanawagan si Anakalusugan party-list Rep. Michael Defensor ng transparency sa presyuhan ng medisina sa bansa dahil sa hindi umano katanggap-tanggap ang inaasahang medical inflation ngayon taon na 13.7%, doble sa average inflation na 5.2% noong 2018.
The post 13.7% medical inflation pinalagan ng Anakalusugan appeared first on Abante News Online.

Ang medical inflation forecast ay mataas din ng 300% kumpara sa inaasahang average inflation ngayon taon na 2.7%.
“Immediate interventions must be implemented. Filipinos have been suffering, dying even, because of the prohibitive cost of healthcare,” diin ni Defensor na nagsabi pang tinatayang 60% ng mga Pilipinong may sakit ang namamatay na lamang na hindi nagpapatingin sa doktor.
“We want to know why we have a double-digit medical inflation that is more than a hundred percent higher than our full-year headline inflation last year. Since late 2018 up to April this year, price pressures on basic goods and services have eased, yet the cost of medicines, diagnostics and procedures continue to spike,” dagdag pa niya.
Tiniyak pa ni Defensor na itutulak niya ang imbestigasyon sa “cost structure and variables” na siyang na siyang nagpapalaki sa presyo ng gamot, gayundin sa diagnostics at iba pang medical procedures, kabilang na ang consultation fees ng doktor.
Aniya, kailangang magkaroon din ng limitasyon sa ipinapatong ng mga botika, parmasya, distributor at retailer na siyang pinapasan naman ng mga consumer.
Noong nakaraang Kongreso, sinikap ng ilang mambabatas na ipasa ang panukala upang bigyan ng ngipin ang Cheaper Medicines Law sa pamamagitan ng paglikiha ng Drug Price Regulatory Board.
Inihain noon ni Iloilo Rep. Ferjenel Biron ang panukala matapos matuklasan na tinatayang 30% ang ipinapatong ng mga malalaking drug store sa presyo ng gamot.
The post 13.7% medical inflation pinalagan ng Anakalusugan appeared first on Abante News Online.