13.1B konstruksiyon ng SLEX-TR4 ng San Miguel, DPWH umarangkada

SINIMULAN ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at San Miguel Corporation (SMCC) ang konstruksyon ng South Luzon Expressway (SLEX) Toll Road 4 (TR4) na pinaglaanan ng P13.1-bilyong budget.

The post 13.1B konstruksiyon ng SLEX-TR4 ng San Miguel, DPWH umarangkada appeared first on Abante News Online.

13 1b konstruksiyon ng slex tr4 ng san miguel dpwh umarangkada - 13.1B konstruksiyon ng SLEX-TR4 ng San Miguel, DPWH umarangkada
slex tr4 - 13.1B konstruksiyon ng SLEX-TR4 ng San Miguel, DPWH umarangkada

SINIMULAN ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at San Miguel Corporation (SMCC) ang konstruksyon ng South Luzon Expressway (SLEX) Toll Road 4 (TR4) na pinaglaanan ng P13.1-bilyong budget.

Pinangunahan nina DPWH Secretary Mark Villar at SMC pesident Ramon Ang ang pagpapasinaya sa nasabing road project na sumasakop sa 66.74-kilometer extension ng SLEX mula sa Sto. Tomas, Batangas hanggang Lucena City, Quezon.

Sa sandaling matapos ito, sinabi ni Villar na mababawasan ang tagal ng biyahe papunta at mula sa Manila at Batangas o Quezon at Bicol ng tatlong oras.

Mas magiging bentahe aniya ang TR4 ito para sa mga motorista na papasok at lalabas sa mga lalawigan sa timog partikular tuwing bakasyon at holiday season.

Umaasa naman si Ang na matatapos ang proyekto sa 2022.

“In 36 months, I am confident we will be back to inaugurate the finished expressway. Under the leadership of President Duterte and Secretary Villar, the TR4 pro­ject has become a reality,” dagdag ni Ang.

Kumpiyansa rin si Ang na lalong lalago at sisigla ang daloy ng tu­rismo at komersyo sa nasabing mga lalawigan dahil sa nasabing road project.

Sinabi pa ng SMC official na tinatayang 17,000 sasakyan ang makadaraan dito kada araw.

Pangangasiwaan ng South Luzon Tollway Corporation (SLTC) ang SLEX TR4 sa loob ng apat na taon. Hahatiin ito sa anim na bahagi na binubuo ng 11.32-kilometer Package A mula sa Sto. Tomas, Batangas hanggang Makban, Laguna; 12.75-kilometer Package B mula Makban hanggang San Pablo, Laguna; 7.5-kilometer Package C mula San Pablo hanggang Tiaong, Quezon; 15-kilometer Package D mula Tiaong hanggang Candelaria, Quezon; 10.21-kilometer Package E mula Candelaria hanggang Tayabas, Quezon at ang  9.96-kilometer Package F mula Tayabas hanggang Lucena City, Quezon.

Kapag natapos na, magkakaroon ito ng  four-lane toll road na mayroong pitong interchange sa  Sto. Tomas, Batangas; Makban at San Pablo City sa Laguna; Tiaong, Candelaria, Tayabas, at Lucena City sa Quezon.

The post 13.1B konstruksiyon ng SLEX-TR4 ng San Miguel, DPWH umarangkada appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *