124K driver, operator sumali sa transport coop

PUMALO sa 124,443 mga driver at operator ang sumali sa mga rehistradong transport cooperatives na may akreditasyon para sa konsolidasyon ng mga prangkisa.

The post 124K driver, operator sumali sa transport coop first appeared on Abante.

124k driver operator sumali sa transport coop - 124K driver, operator sumali sa transport coop
Operator - 124K driver, operator sumali sa transport coop

PUMALO sa 124,443 mga driver at operator ang sumali sa mga rehistradong transport cooperatives na may akreditasyon para sa konsolidasyon ng mga prangkisa.

Ito ang unang hakbang sa pagsuporta sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan na layuning magpatupad ng mas ligtas, mabisa at makakalikasang sistema ng pampublikong transportasyon.

Sa selebrasyon ng ika-47 taon ng National Transport Cooperative Program, pinuri ng Office of Transport Cooperatives (OTC) kasama ang Department of Transportation (DOTr), at iba pang mga ahensiya ng transportasyong sektor ang higit sa 1,000 transport cooperatives, mga miyembro na patuloy sumusuporta sa mga programa ng ahensiya mula pa noong 1973, habang pinapalaganap din nila ang PUVMP.

Ayon kay Steve Pastor, DOTr Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure, ang bilang na ito ay nagpapatunay na maraming operator, may-ari ng prangkisa, at drayber ng Public Utility Vehicle (PUV) ang sumusuporta sa pag-unlad ng pampublikong transportasyon sa bansa.

“Dumami ang bilang ng mga transport cooperatives na binigyan ng akreditasyon mula noong huli naming report noong Hulyo. Panibagong 84 transport cooperatives ang binigyan ng akreditasyon sa loob lamang ng tatlong buwan. Sa ngayon, mayroon nang 1,316 transport cooperatives sa buong bansa,” sabi ni Pastor.

Ipinahayag din ni OTC Executive Director Eugene Pabaluan na patuloy silang tumatanggap ng mga application para sa franchise consolidation ng mga transport cooperative sa buong Pilipnas, matapos iurong ang deadline nito ng karagdagang anim na buwan. Ang panawagan ng franchise consolidation ng mga transport cooperative ay sinimulang noong 2017.

Para makapag-apply sa franchise consolidation, kailangang magbuo ng isang kooperatiba o korporasyon na may 15 yunit ng sasakyan ang mga may-ari ng mga prangkisa na iisa lamang ang ruta. Magsusumite ang kooperatiba ng registration sa Cooperative Development Authority (CDA) at akreditasyon sa OTC, habang ang mga korporasyon naman ay irerehistro sa Security and Exchange Commission (SEC). Ayon sa OTC, maaaring umabot lamang sa isang buwan ang proseso ng pag-apruba basta’t kumpleto lahat ng mga requirements.

Pagkakuha ng akreditasyon, puwede nang magsumite ng application for consolidation ang kooperatiba o korporasyon. Kasama na rito ang pagsumite ng mga dokumento na maaaring idownload sa opisyal na website ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Pagkatapos nito, maaari nang sumailalim ang mga transport cooperatives o korporasyon sa modernisasyon ng kanilang mga yunit. Maaari rin sila mag-apply para sa tulong pinansyal ng gobyerno tulad ng mga programang pautang ng Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines. Kasunod nito, maaari nang sumali ang mga koop o korporasyon sa dropping at substitution ng mga kasalukuyang ruta o mga bagong CPC sa ilalim ng route rationalization ng inaprubahang Local Public Transport Route Plan (LPTRP) ng LTFRB.

“Sa pagbuo ng kooperatiba, pinapalakas ng mga operator ang kanilang pinansyal na kakayahan na makabili ng mga PUVMP-compliant na mga yunit na siguradong pasado sa roadworthiness dahil bagong ang makina, mababa ang emisyon, may AFCS system, CCTV, at GPS,” ayon kay ED Pabualan. “Sa kabila ng mga pagsubok na dala ng COVID-19, masaya kaming ang mga miyembro ng mga kooperatiba, luma man o bago, ay patuloy na nakakapagsilbi sa mga komyuter habang sinisiguro ang kanilang kaligtasan,” dagdag pa niya.

Kung sakaling hindi makapag-apply sa consolidation ang mga may-ari ng PUV, lalo na ang mga public jeep, inanunsyo ng DOTR at LTFRB na ang Probationary Authority (PA) ay ibibigay kada taon hangga’t pasado ang mga yunit sa computerized Motor Vehicle Inspection Station (MVIS) test para sa roadworthiness at maipakitang sumasailalim na ito sa franchise consolidation.

Nitong unang bahagi ng taon ay inanunsyo ng DOTr at LTFRB na iniurong ang deadline para sa franchise consolidation mula June 18 ay ginawa itong December 31 dahil sa pandemya.

The post 124K driver, operator sumali sa transport coop first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *