120K pulis ikakalat sa pagbubukas ng klase

Matapos ang ginawang pagbabantay sa kakatapos na 2019 midterm election ay ang pagbabalik eskuwela naman ang tututukan ng Philippine National Police (PNP) kung saan magpapakalat ng 120,000 mga pulis upang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante.

The post 120K pulis ikakalat sa pagbubukas ng klase appeared first on Abante News Online.

120k pulis ikakalat sa pagbubukas ng klase - 120K pulis ikakalat sa pagbubukas ng klase
puis - 120K pulis ikakalat sa pagbubukas ng klase

Matapos ang ginawang pagbabantay sa kakatapos na 2019 midterm election ay ang pagbabalik eskuwela naman ang tututukan ng Philippine National Police (PNP) kung saan magpapakalat ng 120,000 mga pulis upang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante.

Ayon kay PNP chief General Oscar Albayalde­ ang nasabing bilang ng mga pulis ang kanilang ikakalat para sa Ligtas Balik Eskwela 2019.

Maglalagay ng mga police assistance desk sa bisinidad ng mga paaralan para magtiyak ng seguridad. Magsisilbi rin silang look out sa mga drug trafficker at street gang na posibleng mambiktima ng mga estudyante ngayong­ pasukan.

“Usually ang ginagawa natin dyan is parang election duties. We have people in the different schools. Meron tayong mga deployment sa iba’t ibang mga eskwela­han, meron tayong mga police assistance desks lalo na sa mga malalaking eskwelehan and we will be deploying 120,000 of our people on this Ligtas Balik Eskwela program,” pahayag ni Albayalde sa isinagawang press briefing kahapon sa Camp Crame.

Bukod dito tutulong din ang mga pulis sa paglilinis ng eskwelahan sa pagbubukas ng Brigada Eskwela.

“‘Yung iba meron lalo na sa mga far flung areas kung magrerequest mga school administrators. Without the request of course hindi tayo pwedeng pumasok sa mga diffe­rent schools but marami tayong mga experience na yung mga school administrators ay nagrerequest ng mga pulis natin para tumulong sa paglinis sa mga school campuses,” dagdag pa ni Albayalde

Patuloy naman ang pakikipag ugnayan ng PNP sa mga administrator ng paaralan, gayundin sa mga opisyal ng Department of Education at Commission on Higher Education.

Sa ngayon, nanatili sa full alert status ang PNP. (Edwin Balasa)

The post 120K pulis ikakalat sa pagbubukas ng klase appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *