12 todas sa US mass shooting

Inaalam na ng Embahada ng Pilipinas sa Washington DC kung may Pilipinong naging biktima ng panibagong mass shooting sa Virginia Beach Municipal Center.

The post 12 todas sa US mass shooting appeared first on Abante News Online.

12 todas sa us mass shooting - 12 todas sa US mass shooting
abante shooting - 12 todas sa US mass shooting

Inaalam na ng Embahada ng Pilipinas sa Washington DC kung may Pilipinong naging biktima ng panibagong mass shooting sa Virginia Beach Municipal Center.

Pasado alas-kuwatro nang hapon kahapon ng ratratin ng empleyado ng Municipal Center gamit ang isang riffle at handgun kung saan napatay ng suspek ang labing isang katao habang isinugod naman sa ibat-ibang pagamutan sa Virginia ang anim na iba pa.

Ayon kay Virginia Beach Police Chief James Cervera, unang binaril ng suspek ang taong nasa loob ng sasakyan saka bumasok sa Building 2 ng muni-cipal center at pinaulanan ng bala ang bawat palapag ng gusali.

Ang Building 2 ay may kabuuang 400 empleyado kung saan dito matatagpuan ang information technology, public works, planning at utilities department.
Napatay naman ang suspek matapos na makipagbarilan ito sa mga rumesponding pulis. Hindi pa malinaw kung ano ang motibo ng suspek na matagal ng empleyado ng municipal center.

Hindi pinangalanan ng mga awtoridad ang suspek, pero may mga report na ito’y si DeWayne Craddock, 40-anyos, certified professional ng Public Utilities Department ng Virginia Beach.

Tumutulong na ang Federal Bureau of Investigation at Homeland Security sa imbestigasyon. (Dave Llavanes Jr.)

The post 12 todas sa US mass shooting appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *