12 nag-cutting class buking sa computer shop

MAHIGPIT na babantayan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga computer shop sa Metro Manila na nagpapapasok ng mga estud­yante sa oras ng klase upang maglaro ng mga online game.

The post 12 nag-cutting class buking sa computer shop appeared first on Abante News Online.

12 nag cutting class buking sa computer shop - 12 nag-cutting class buking sa computer shop
compshop - 12 nag-cutting class buking sa computer shop

MAHIGPIT na babantayan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga computer shop sa Metro Manila na nagpapapasok ng mga estud­yante sa oras ng klase upang maglaro ng mga online game.

Ito’y matapos na maaktuhan ang 12 estudyante na nasa senior high school, habang nag­lalaro ng online games at gumagamit ng social media sa isang computer shop sa oras ng klase sa lungsod ng Makati dakong alas-dos nang hapon.

Sinabi ni NCRPO Director Maj. Gen Guillermo Eleazar, batay sa Department of Education Order No.86 series of 2010, ba­wal na pumasok sa mga compu­ter shop, mall at sinehan ang mga estudyante kapag oras ng klase.

Dahil dito nakikipag-ugna­yan na sila sa mga local gov’t unit na maging aktibo sa pagbabantay dahil sa may kapangyarihan din sila na mag-inspeksyon sa mga nasabing establisimyento.

Maliban dito, sinabi ni Ele­azar na nakikipagtulungan din sila sa mga opisyal ng mga paaralan upang matiyak na hindi pakalat-kalat ang kanilang mga estudyante sa lugar na malayo sa paaralan.

Babala naman ni Eleazar na kanyang ipasasara ang mga computer shop at ilang establisim­yemento kapag pumayag na maglaro ng online games sa oras ng klase ang mga estudyante.

Sinabi pa ng opisyal na hihingi sila ng tulong sa mga pamahalaang lokal ng mga lungsod na sa oras na makakita o makahuli sila ng mga estudyante na nag­lalaro sa loob ng mga computer shop ay kanilang ipapasara ito.

Sa ngayon aniya, patuloy pa rin silang nakikipag-ugnayan sa may-ari ng computer shop kung saan naaktuhan ang 12 estud­yante sa naglalaro ng games kamakalawa nang hapon.­(Armida Rico)

The post 12 nag-cutting class buking sa computer shop appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *