12 matigas ulo dampot sa gym

Hinuli ang 12 lalaki na nasa loob ng isang fitness gym sa Quezon City dahil sa paglabag sa quarantine protocol, Linggo ng gabi.

The post 12 matigas ulo dampot sa gym first appeared on Abante.

12 matigas ulo dampot sa gym - 12 matigas ulo dampot sa gym
QC - 12 matigas ulo dampot sa gym

Hinuli ang 12 lalaki na nasa loob ng isang fitness gym sa Quezon City dahil sa paglabag sa quarantine protocol, Linggo ng gabi.

Pumunta sa isang gym sa Barangay Holy Spirit ang mga tauhan ng QC Task Force Disiplina (TFD) matapos makatanggap ng ulat na nakabukas ang gym kahit bawal pang mag-operate ang mga ito.

Matatandaang sinabi ng Palasyo na hindi pa pinapayagan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang balik-operasyon ng mga gym at internet cafe sa mga area na nasa ilalim ng general community quarantine.

“Matapos mai-profiling ng TFD ay dinala ang 12 kalalakihan sa tanggapan ng Police Station 6 na nakaharap sa paglabag sa kasong R.A 11332 (mass gathering and not wearing of face mask/face protector),” ayon sa task force sa isang Facebook post.

Samantala, tinitingnan din ng TFD ang posibleng parusa para sa gym owner dahil sa pagbubukas ng pasilidad kahit pinagbabawal pa ito ng national government. (Shernielyn dela Cruz)

The post 12 matigas ulo dampot sa gym first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *