12 marinong Pinoy ligtas sa Iran

NASA maayos na kondisyon ang 12 marinong Pinoy na ina­resto sa Iran dahil sa pagpupuslit umano ng langis noong Setyembre 7.

12 marinong pinoy ligtas sa iran - 12 marinong Pinoy ligtas sa Iran
ABANTE Iran 1 - 12 marinong Pinoy ligtas sa Iran

NASA maayos na kondisyon ang 12 marinong Pinoy na ina­resto sa Iran dahil sa pagpupuslit umano ng langis noong Setyembre 7.

Ito’y matapos bisitahin ng mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa Tehran ang 12 Pilipinong crew ng “Al Buraq 1(IMO 7318975), isang offshore supply ship na kinumpiska ng Iran dahil sa pagkakasangkot sa oil smuggling.

“The 12 Filipino seafarers are in good spirits and are being treated well while under detention,” ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Nabatid na si Ambassador to Iran Wilfredo Santos kasama ang ibang opisyal ng Embahada ang bumiyahe mula Tehran patungong Hormozgan Province malapit sa Persian Gulf upang personal na makita ang crew at tignan ang kanilang kondisyon.

Ginagawa na ng Embahada ang lahat ng hakbang upang mapalaya ang mga seaman at magsasagawa ng kaukulang representasyon sa Iranian Government upang masiguro ang kanilang kaligtasan at kapaka­nan. (Armida Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *