12 Marino dinampot sa Iran Fuel Smuggling

PINIGIL ng Iran ang barkong sangkot sa pagpupuslit ng langis sa Strait of Hormuz nitong Sabado at ina­resto ang 12 tripulanteng Pilipino.

12 marino dinampot sa iran fuel smuggling - 12 Marino dinampot sa Iran Fuel Smuggling
straight - 12 Marino dinampot sa Iran Fuel Smuggling

PINIGIL ng Iran ang barkong sangkot sa pagpupuslit ng langis sa Strait of Hormuz nitong Sabado at ina­resto ang 12 tripulanteng Pilipino.

Ayon sa ISNA news agency, may karga umanong 283,900 litro ng diesel ang barko na nagkakahalaga ng $20.2 milyon o higit isang bilyong piso, nang masabat ng Iran Coast Guard.

Nalaman na ang Iran, isa sa pinagkukunan ng murang langis dahil sa malaking state subsidy at pagbagsak ng kanilang currency, ay nakikipaglaban ngayon sa talamak na fuel smuggling.

Ang barko ay nasabat malapit sa Sirik county sa Strait of Hormuz.

Naniniwala ang mga awtoridad na sangkot sa fuel-smuggling ring sa rehiyon ang nasabat na barko.

Ang mga inarestong Pinoy ay sasampahan umano ng kaukulang kaso ng Iran.

Inaasahang kikilos ang Department of Foreign Affairs (DFA) para tulungan ang 12 Pinoy na hinuli dahil sa pagpupuslit ng langis.

Marami nang barkong hinarang ang Iran kaya’t nag-init ang Estados Unidos at nagpadala ng mga drone subalit pati na ang mga ito ay pinabagsak.

Noong Hulyo 14 lamang, pinigil din ng Islamic Re­volutionary Guard Corps ng Iran ang dayuhang tanker sa Gulpo dahil sa pagpupuslit umano ng ­langis.

Dinagit din ng Iran noong Hulyo 19 ang British flagged Stena Impero tanker dahil naman daw sa pag­labag sa ‘international maritime rules’.

(Juliet de-Loza Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *