11 UN Rapporteurs tinawag na bobo ni Pangulong Duterte

105 araw maternity leave isinabatas ni Duterte

Binuweltahan ng Malacañang ang 11 Special Rapporteurs ng United Nations at tinawag na bobo dahil sa pagpupumilit na maimbestigahan si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa war on drugs nito.

The post 11 UN Rapporteurs tinawag na bobo ni Pangulong Duterte appeared first on Abante News Online.

11 un rapporteurs tinawag na bobo ni pangulong duterte - 11 UN Rapporteurs tinawag na bobo ni Pangulong Duterte
duterte 29 - 11 UN Rapporteurs tinawag na bobo ni Pangulong Duterte

Binuweltahan ng Malacañang ang 11 Special Rapporteurs ng United Nations at tinawag na bobo dahil sa pagpupumilit na maimbestigahan si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa war on drugs nito.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na malinaw na pakikialam sa soberenya ng Pilipinas ang ginagawa ng UN Special Rapporteurs dahil maayos na umiiral ang demokrasya at walang problema sa Hudikatura.

Napaniwala aniya ang mga ito ng mga grupong hindi matanggap ang kasalukuyang administrasyon, pati na ang mga local at foreign media.

“The latest call by 11 Special Rapporteurs of the United Nations for an international probe of the Philippines not only is intellectually challenged but an outageous interference on Philippine sovereignty. The reasons foisted by them for the aforesaid investigation have been discredited and repudiated by the very nation they pretend to care about,” ani Panelo.

Binigyang-diin ng kalihim na kahit anong paninira ang gawin ng mga kritiko ng gobyerno ay hindi mapapaniwala ang publiko dahil sa mga pagbabagong nakita sa Duterte administration.

Ang kampanya sa iligal na droga aniya ay pangunahing tungkulin ng estado para mapangalagaan at maproteksiyon ang mamamayan.

Sinabi ni Panelo na mahigpit na sinusunod ng mga otoridad ang proseso sa kanilang anti-drug operations at ang mga hindi susunod dito ay mapaparusahan sa ilalim ng batas.

Idinagdag ni Panelo na ang mga grupong nagpapakalat ng maling impormasyon patungkol sa iligal na droga at human rights ay nakatikim ng matinding bigwas sa mamamayan matapos na hindi sila iboto sa katatapos na eleksiyon.

“Those who have spoken against the campaign on illegal drugs and human rights record of this President have been overwhelmingly rejected by the Filipino electorate,” dagdag pa ni Panelo. (Aileen Taliping)

The post 11 UN Rapporteurs tinawag na bobo ni Pangulong Duterte appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *