11 Pinoy bumida sa Top 100 Asian Scientist

KINILALA ang 11 Pinoy na bihasa sa kanilang larangan sa prestihiyosong listahan ng isang magazine para sa Asian Scientist 100.

The post 11 Pinoy bumida sa Top 100 Asian Scientist first appeared on Abante.

11 pinoy bumida sa top 100 asian scientist - 11 Pinoy bumida sa Top 100 Asian Scientist
Abante Kartada 7 - 11 Pinoy bumida sa Top 100 Asian Scientist

KINILALA ang 11 Pinoy na bihasa sa kanilang larangan sa prestihiyosong listahan ng isang magazine para sa Asian Scientist 100.

Kasama sa naturang listahan si microbiology expert Dr. Raul Destura ng National Institutes of Health ng UP Manila, kung saan nanguna ang doktor sa paggawa ng murang dengue diagnostic kit.

Si Destura din ang namumuno sa Manila HealthTek Inc., ang nag-iisang local developer ng test kit para sa RT-PCR swab test sa COVID-19.

Bukod kay Destura, ilan din sa mga napasama sa listahan ay si DOST-Philippine Nuclear Research Institute executive director Carlos Arcilla, National Scientist Emil Javier; UST professor Alicia Aguinaldo; Emma Sales ng University of Southern Mindanao; Cleotilde Hidalgo How ng UP Manila; Alonzo Gabriel ng UP Diliman; Raymond Tan at Susan Gallardo ng De La Salle University.

“To be acknowledged in this list, the honoree must have received a national or international prize in the preceding year for his or her research. Alternatively, he or she must have made a significant scientific discovery or provided leadership in academia or industry,” ayon sa Asian Scientist. (RP)

The post 11 Pinoy bumida sa Top 100 Asian Scientist first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *