11 patay sa leptospirosis sa Western Visayas

UMABOT na sa 11 ang nasawi sa Western Visayas dahil sa leptospirosis, bacterial infection na nagmumula sa mga hayop, ayon sa tala ng Department of Health (DOH).

The post 11 patay sa leptospirosis sa Western Visayas appeared first on Abante News Online.

11 patay sa leptospirosis sa western visayas - 11 patay sa leptospirosis sa Western Visayas
abante patay - 11 patay sa leptospirosis sa Western Visayas

UMABOT na sa 11 ang nasawi sa Western Visayas dahil sa leptospirosis, bacterial infection na nagmumula sa mga hayop, ayon sa tala ng Department of Health (DOH).

Kabilang ang mga biktima sa 98 na kaso ng leptospirosis na naitala ng kagawaran simula Enero ng taong kasalukuyan, ayon kay DOH Region 6 epidemiologist Dr. Glen Alonsabe.

Sa kaparehong panahon noong 2018, nakapagtala ang DOH ng 248 na kaso na may 35 na nasawi sa nasabing rehiyon.

Ayon kay Alonsabe, dapat umanong mapabilang ang leptospirosis sa ginagawang cleanup drive laban sa dengue na target malinis ang mga nakaimbak na tubig kung saan namamahay ang mga lamok na nagdadala ng sakit.

Pinayuhan pa ng health official ang mga magsasaka na magsuot ng protective foot gear habang nagtatrabaho.

Sa paliwanag ng World Health Organization, ang leptospirosis ay bacteria na pumapasok sa katawan ng tao sa pamamagitan ng mga sugat o gasgas sa balat o kaya’y sa bibig, ilong at maging sa mata.

Posibleng maranasan sa u­nang stage ng sakit ang mataas na lagnat, sakit ng ulo, pana-nakit ng muscle, panginginig, pamumula ng mata, abdominal pain, pagsusuka, diarrhea at rashes ang mga pasyente. (Prince Golez)

The post 11 patay sa leptospirosis sa Western Visayas appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *