11 biktima ng human trafficking hinarang sa NAIA

Hindi nakalusot sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 11 hinihinalang biktima ng human trafficking na nagtangkang umalis ng bansa at nagpanggap bilang mga turista.

The post 11 biktima ng human trafficking hinarang sa NAIA appeared first on Abante News Online.

11 biktima ng human trafficking hinarang sa naia - 11 biktima ng human trafficking hinarang sa NAIA
naia - 11 biktima ng human trafficking hinarang sa NAIA

Hindi nakalusot sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 11 hinihinalang biktima ng human trafficking na nagtangkang umalis ng bansa at nagpanggap bilang mga turista.

Ayon kay BI port operations division chief Grifton Medina simula noong nakaraang linggo may kabuuang 11 biktima ang dinala sa Inter-Agency Council Against Trafficking sa NAIA terminal 3 lamang, matapos madiskubre na ang mga pasahero ay iligal na kinalap upang magtrabaho sa ibang bansa nang walang kaukulang mga dokumento.

“All of them were bound for countries other than what they presented, in an apparent effort to mislead immigration officers about their destination and purpose of travel,” ani Medina.

Pinapaalis aniya ang mga biktima sa Maynila bilang turista at pagdating sa susunod na puwerto ay saka ibibigay ang kanilang working visas bago sila papuntahin sa connecting flight sa kanilang final work destination.

Nabatid sa ulat ng BI – travel control and enforcement unit (TCEU) sa NAIA 3, noong Mayo 19, dalawang pasahero papuntang Singapore ay pinigil sumakay ng kanilang flights nang malamang sila’y papuntang Doha, Qatar upang magtrabaho.

Ang dalawa ay sinamahan umano ng dalawang empleyado ng isang manpower agency na kilalang nagre-recruit ng mga Pinoy para magtrabaho sa ibang bansa sa pamamagitan ng Internet.

Dalawang araw pagkatapos, muling nakaharang ang mga empleyado ng BI-TCEU ng grupo ng pitong kababaihan na nagpanggap bilang mga turista papuntang Brunei para magbakasyon.

Kalaunan ay umamin na ang kanilang final destination ay sa Malaysia at ni-recruit sila upang magtrabaho bilang mga waitress. (Mina Aquino)

The post 11 biktima ng human trafficking hinarang sa NAIA appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *